nawalan nanaman po ng kuryente!
hay nako! bwiset na bwiset na ako kasi lagi kaming nawawalan ng kuryente, kanina lang nawalan nanaman e! hindi ko alam kung bakit nawalan, pero ang alam ko humangin lang ng malakas, biglang namatay lahat! tumawag na yung mom ko, tapos sabi aayusin na daw, pero ang tagal-tagal na naming naghihintay, wala paring nangyari!
yung bahay namin nasa labas ng subdivision, (kasi yung mga bahay namin nasa kasama sa mga model houses sa labas ng subdivision) e bakit yung mga nasa loob meron! yan tuloy lahat kami nagmukhang mga t***a kasi wala kaming magawa
tapos tumawag nanaman yung mom ko, galit na galit na! at talagang HINDI maganda kapag nagagalit mom ko
sinigawan yung meralco!! WOW!!! kahit ako nabingi e! tapos masigawan yung meralco, maya-maya’ nandyan na yung mag-aayos.
galing no!
dalawa lang naman ang tatandaan. isa, bwiset talaga ang meralco. pangalawa, huwag niyong gagalitin mom ko kung ayaw niyong matanggal yung mga tenga niyo! ![]()
No comments yet. Be the first.
Leave a reply