Nagwawala ang langit. HAHA, kumukulog!

Posted by Sam under Hahaha!

‘kay! HAHAHA! 1.30 na ako nagising. Hindi ako nakapagpost kahapon kasi sumakit ang ulo ko. Pagkagaling sa MegaMall, pumunta kami ng Hypermaket sa may Tiendesitas para mamili. Tapos, pagdating sa bahay natulog na ako kasi hilong hilo ako. Nagising ako ng mga 6 yata, tapos blablabla. AY, PINALABAS KAGABI YUNG LONGEST YARD. Ooohweee! Hahaha! Ang pretty nung movie na yun. Ayan, ngayon, umuulan na. Mahina pa lang. Nagddownload NANAMAN ako ng MP3’s. Nabura LAHAT ng MP3 ko dati na ANG DAMI tas ilang beses na ako nagttry magdownload lahat nung nawala kaso tuwing humihinto, naiinis ako tas binubura ko ulit lahat. Alam ko, parang anga. E sa nakakairita e! Paki mo naman. Hahaha! Watebur. Lumakas na yung ulan. Naririnig ko na yung raindrops falling on the roof top. HAHAHAHA! Sorry na, kanta yun. Si Tamia. Officially Missing You. Hindi ko maintindihan ‘tong kantang tumutugtog. HAHAHA, ayan, malakas na. A Perfect Circle. Nasisiraan nanaman ng bait yung kapatid kong SPED. Mas natutuwa pa siya kesa kay Pepper na nilalaro niya ng nakarolyong papel. Kinakausap niya yung sarili niya para lang taong split personality. Gumagawa pa siya ng sound effects pag tumatama yung papel. Ingles pa siya ng ingles na parang wala siya sa Pilipinas. Tuwang tuwa siya na kumuha pa siya ng camera at vivideohan daw niya si Pepper na naglalaro. Kinuha pa niya si Salt at ngayon 3 na silang nasisiraan. Nilagay niya sa kanya si Salt at sumigaw ng “OUCH!” Inuutusan pa niya ako ngayon na videohan sila. Nilagay niya si Salt at Pepper sa kama ko at hawak niya sa isang kamay ang nakarolyong papel, habang sa kabila ay ang camerang ginagamit niya paramagvideo. Sumigaw ako ng “ARAY!” kasi pinatalon niya si Salt sa akin. Pagtalon ni Salt, kumapit siya sa balat ko. MASAKIT. Natuwa pa si Alex dun. Kinakausap nanaman niya ang sarili niya na parang si Jack Sparrow sa Pirates of the Caribbean. Kinuha niya si Salt at nagingles nanaman siya. Sabi niya “Salty? Are you okay? Don’t worry, she wont hurt you again!” Aba! Aba! Aba! Parang mali yata yun a! Amp. Sabi pa niya “Ang baho ni Salt. Amuyin mo.” Alam na pala niyang mabaho, ipapaamoy pa sa akin. Magaling. Feeling nanaman niya naiintindihan siya ng pusa niyang bumangga sa salamin kakatakbo. Matalino daw kasi. Ngayon naman tinatawanan at kinakausap niya yung laptop niya. Sabi niya “Robot Chicken : Star Wars.” Naglalaro din siya ng ‘Chicken Invaders.” Yung game na yun, may manok na nangingitlog tapos yung bala itlog. Manok ka doon. Sabi pa niya nung tinanong ko kung ano yung bala doon, dinagdag pa niya na kapag Christmas Version, Chirstmas balls daw ang bala, at hindi itlog. Sinusundot niya si Salt na sumaksak sa ilalim ng kama. POTEK NA YAN, TAGALOG. Hahaha! NASISIRAAN NA SIYA TALAGA! Nilalaro niya yung mga pusa, gamit ang papel - na nakarolyo - tapos kapag kinakalmot na ng pusa sasabihin niya, “Bat niyo sinisira! Ako bumili nito! Ako! Ako! Ako!”

- Ayoko na. Natatawa na ako. Lahat ng sinabi ko dito ay katotohanan. Walang labis, at lalong walang kulang. HAHAHA! TAE! TAE! TAE!

Pictures of my “Special Sister.” XD

img_0991.jpg

Hindi marunong sumalo. :|

img_0993.jpg

Hindi rin marunong maghagis.

img_0979.jpg

Dito niya sinasabi yung mga manok manok.

img_0977.jpg

Nung pinasok niya si Salt.

img_0981.jpg

Eto yung kinakausap niya sarili niya tsaka yung siya daw bumuli nung papel.

The End.

5 Responses to “Nagwawala ang langit. HAHA, kumukulog!”

  1. alex Says:

    hindi ko kaya kinakausap yung sarili ko! nilalaro sila pepper!! stupid!!!!!

  2. sammm Says:

    Aba! Oo kaya! Hindi mo lang napansin. :P Kaya nga hindi kita kinakausap kasi baka matawa ako e.

  3. alex Says:

    chaka nakita ko lang naman sa internet yung ‘robot chicken :star wars’ e!!!

  4. admin Says:

    hanggang sa blog ba naman, fighting pa kayo?

  5. sammm Says:

    Yeez. Syempre! ‘Til death. x))

Leave a Reply